Nakapagtataka nga naman…
Friday September 21st 2007, 8:02 am
Filed under: Laugh, laugh, laugh

WARNING: JUST for FUN

        Nagtaka na ba kayo? Akala niyo kayo lang??? ako rin noh… Tulad nalang nito:

  • Alam nating, ang "KULANGOT" ay ang tumigas na sipon… kapag in-OVEN ba ito, magiging sipon ulit?
  • OO nga naman, nakapagtataka… sa kabilang dako, napaka-swerte natin at nagkaroon tayo ng ilong… siya nga pala… Saan gawa ang "SUNDOT KULANGOT"? sa kakasundot bang "KULANGOT ng TAO"?

…nakakadiri nga naman kung iisipin, ngunit ang
katotohana’y dapat harapin…

  • Anyway, nanggaling nga ba tayo sa mga UNGGOY?!? ang kasagutan, ay "masasagot ng SALAMIN"… try mong tumingin… tulad nalang doon sa story na may witch na kinakausap yung salamin sa, "RAPUNZEL and the SEVEN DWARFS"… hehehe…
  • Speaking of Fairytales… 7 nga ba ang dwarfs ni Rapunzel? hindi ba 3 lang? sila Blossom, Buttercup at Bubbles lang diba? nag-offer pa nga si Mojo Jojo ng poisoned apple kay Rapunzel eh… ay mali…
  • speaking of Apples… kaya ba tayo may Adam’s apple kasi na-inherit natin ito kay Adan na nakalunok ng buong pineAPPLE fruit, nabulunan at hindi na nailuwa??? hmm… nakakapagtaka nga…

       …gusto ko lang sabihin na ini-idolo ko si Adan kasi niligtas niya ang maraming hayop bago pa man sila

naabutan ng sinasabing "GREAT BLOOD" o malawakang

pagbaha. Nakakabilib talaga yung "ARK ni Adan". stig…

  • Speaking of "ARKs", ito yung tahol ng aso diba? ark ark ark! ay mali… pusa pala iyon…
  • Speaking of cats, at sa mga nakakarelate… Namimiss ko na si Captain Hook ng pisay-IRC… sumakabilang buhay na raw siya… ay tama! Baka nagmigrate papuntang Main campus ng Pisay! (kung ako namimiss ko na siya… paano pa kaya si Albei Tolete)
  • Anyway, bakit nga ba kulay ASUL ang langit kung araw at ITIM kung Gabi??? ay tama… kasi:
    • kapag umaga, kulay asul ang araw at ikinakalat ang taglay nitong ilaw, kaya asul ang langit…
    • kapag gabi naman, kulay itim ang araw at isinasabog nito ang itim na ilaw… kaya itim ang langit twing gabi… kaya nga hindi natin makita ang araw kung gabi diba??? mahirap hanapin ang black…
  • Oo nga naman… napakaganda ng RAINBOW, madaming COLORS… sa dulo nga ba nito, may POT OF GOLDs? Umpisahan mo nang i-trail ang dulo nito, baka yumaman ka…
  • Speaking of colors… hindi ba, ine-spell din ang COLOR na COLOUR? ibig bang sabihin, ang isa pang spelling ng:
    • Bachelor ay BACHELOUR?
    • Parlor ay PARLOUR?
    • Tutor ay TUTOUR?
    • Creator ay CREATOUR?
    • Tailor ay TAILOUR?

… napaka-SOSYAL naman nitong huli…

  • Speaking of "SOSYAL", hindi ba sikat na sikat itong salitang ito? Lalo na kung ginagamit sa paggalang sa kataas-tasan tulad ng "SOSYAL HIGHNESS".
  • Maraming pagtataka… sumasakit na ulo ko… ayoko nang problemahin to… solohin mo na…