Time is very CONFUSION?
Saturday October 13th 2007, 2:06 am
Filed under: Laugh, laugh, laugh

 Nakaka-CONFUSION naman talaga yung time… grabe… SAAN ba talaga magbe-base???

        BAKIT???

 panu ba naman… relo ko, iisa lang ang kamay… ROLEX pa naman… binili ko kay "BIDJAY"…

 tapos kuwan… tuwing may dicussion, sinasabi ng teacher "Late yang relo niyo! we still have 10 mins…" tapos yun pala… nakain na break namin… tuwing may QUIZ or TESTS naman… sinasabi nila "LATE yang relo niyo! PASS you’re papers!" yun pala, the other way around…

 san ba talaga bine-base ang time? mahirap i-type pero, specially pisay… sabi nila, ibase daw sa GUARDHOUSE… sabi nila FACULTY HOUSE… sabi nila SA RELO nila… (ilan ba relo sa mundo??? bilangin ko na nga ngayon para matapos someday…)

       anyway … paano tumatakbo ang oras??? nagpapamasahe kaya ito? nagji-jeep kaya? nagta-taxi (sosyal)?

       diba kasabay na lumipas ng oras ang weather??? sabi nga nila… "KUNG MAY ORAS… MAY RELOS…" sabi ko pala…

       speaking of weather… kasabay ng paglipas ng weather ang trials… mga pagsubok lang yan na kailangang harapin… kaya… "Kung may PAGASA… May WEATHER…"

        uhmmm… kapag sinabing "ORAS mo na…" nakakatakot diba??? iniisip natin kinukuha na tayo ni Satanas o ni San Pedro… pero mali pala akala natin… maraming namamatay sa malaking dambuhala… este maling akala…

–> yun pala… ibig sabihin ng "Oras mo na…" ay, nareach mo na yung time mo sa pag-use ng computer sa internet cafe at makabayad na… akala ko kung ano na…

        Speaking of San Pedro, NAKIKISABONG ba talga siya kay KAPITAN TIYAGO???     just wondering…

         SALAMAT sa pagbabasa!!! sa susunod muli!



MARUMI???
Thursday October 11th 2007, 8:44 am
Filed under: Notice to the public

*hmm… twing sasapit ang LUNES…*

BEST CLASSROOM… kaboog… kaboog… we have a TIE!!! from the first year… 1-… from the 4th year (2k12)… (anung section kaya yun… ) :)


anyway… paanu nga ba ang basehan ng pagiging BEST CLASSROOM???

bakit ganun??? naka-ayos nang lahat-lahat ng gamit, naka-organize, no chalk-dust on the floor, at lahat lahat na, hindi parin best classroom… bakit kaya… base sa nasasagap kong boses ng bayan… BASEHAN ata ang pagkakaroon ng FLOORWAXED-TILED FLOOR na KUMIKINTAB-KINTAB ng sobra sobra na para bang mabubulag ka na… di na pinapansin yung arrangement ng chairs and everything… basta ganun… basta makintab… (GANUN NGA BA??? parang…)

Tapos ganyan… tuwing may teacher na pumapasok, bukambibig ang pagtatanong ng "Ang rumi ng room niyo… nakaka-concentrate ba kayo?" welll… what can  say…